“Daddy, hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Anton.” Sabi ko kay Daddy habang magkasama kami sa kusina. Siya nagkakape at ako naman kumakain ng prutas. “Anak, kung hindi mo pa siya kayang kausapin. Bigyan mo muna ang sarili mo nang oras.” Sabay higop niya ng kape niya. “Tanggap mo siya bilang tatay ng magiging apo mo, Dad?” Bigla kong tanong at nagulat din ako sa pagtanong ko. “Anak, okay lang sa akin. Dati ko pa alam na may relasyon kayo ni Antonio. Hinihintay ko lang na kayo ang umamin sa akin.” Napanganga ako sa sinabi ni Daddy! Noon pa niya alam? “How did you know? Since when?” tanong ko at ngumiti siya. “Father instinct, anak. Tsaka ilang beses rin nagtatanong si Antonio kung pwedi ka ba niya ligawan noon. Sabi ko naman, dependi sa anak ko kung gusto niya.” Hindi agad ako na

