Chapter 98

1511 Words

Pagkatapos niyang basahin, ilang segundo siyang hindi gumalaw. Nakatitig lang siya sa sulat na hawak niya, tapos dahan-dahan siyang napapikit. Kita ko ang paglunok niya, iyong paraan ng paghinga niyang pilit kalmado pero halatang tinamaan talaga siya ng laman ng sulat ko. “Anton?” mahina kong tawag. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. At ayun na nga—medyo basa na ang mga mata niya. “Hoy,” sabi ko agad, napapangiti kahit naiiyak na rin ako. “Ba’t umiiyak ka na naman?” Napatawa siya nang mahina pero umiling. "Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa past life ko para deserve kita.” Biglang uminit ang pisngi ko. “Baka mabait ka noon,” biro ko. “Hindi,” sagot niya agad, sabay lapit pa sa akin. “Siguro binigyan lang talaga ako ng second chance." Hindi ako agad nakasagot. May kakaiban

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD