Pagdating ng hapon, sinabi ni Daddy na may kailangan daw siyang ayusin kaya kinailangan naming ilabas si Anton sandali sa bahay. Buti na lang at game si Daddy na isama siya sa kung anu-anong errands kuno habang dito naman ay abalang-abala kami nila Jessa, Miya, Kyla, at Manang sa pag-aayos ng garden. Pagdating nila, halos sabay-sabay ang bungad sa akin. “OMG, ang saya nito!” sabi ni Jessa. “Birthday surprise for Anton?” kilig na kilig na tanong ni Miya. “Gen, proud kami sa’yo,” dagdag ni Kyla habang may hawak nang ribbon. “Hoy, huwag kayong maingay,” sabi ko agad. “Baka bumalik sila.” Dagdag kong sabi. “Relax,” sabi ni Jessa. “Nasa labas pa sila.” Mabilis kaming nag-ayos. Hindi ko ginawang sobrang bongga. Gusto ko lang cozy. Warm. May fairy lights ulit sa garden, pero mas simple

