Dumating ang araw ng gender reveal na ilang beses kong in-imagine pero parang hindi ko pa rin lubos maisip na totoo na pala. Pagkababa ko pa lang ng hagdan, agad akong napahinto. Ang garden namin dati ay simpleng tahimik lang, ngayon ay punong-puno ng maliliit na details . May puti at gold na mga kurtinang nakasabit sa gilid, fairy lights na paikot sa mga puno, at mga bulaklak na maayos na nakaayos sa bawat table. Hindi siya sobrang bongga, pero sobrang ganda. Elegant. Simple. Pero ramdam na ramdam na special ang araw na iyon. Sa gitna ng garden ay may mahabang table para sa pagkain at sa bandang gitna naman ay may nakapatong na cake na natatakpan pa. Sa likod nito ay may malaking puting tela na may nakasulat na. Boy or Girl? Napangiti agad ako. “Surprise!” sabay-sabay na sigaw ng mg

