“Kinakabahan ka?” tanong ni Anton at tumango ako. “O-oo, ikaw ba?” balik kong tanong at tumango rin siya. Parehas kaming natawa dahil parehas rin pala kaming kinakabahan. Napatingin tuloy sila Jessa sa amin na kanina pa mga seryoso. Mas mukha pa silang kinakabahan kaysa sa akin. Dumating na ang doctor na dala na ang naka white envelope na result. Nanginginig pa si Anton na kunin ang resuly na nasa envelope. “Okay, see you next month.” Sabi ng Doctor sa akin. “And congratulations,” habol niyang sabi. “Thank you so much, Doc.” Sabi ko at ngumiti. Pagkabigay ni Anton ng result kila Jessa, halos maglulundag sila sa tuwa na parang sila ang magulang ng baby ko. “Hoy, ingatan niyo ’yan!” sita agad ni Anton nang makitang halos maagaw-agaw na nila ang white envelope sa sobrang excitement.

