“Bukas na pala ang appointment ko for check up.” Sabi ko sa kanila habang kumakain kami. Nagulat silang lahat pati si Anton dahil hindi ko pa sinasabi na bukas na nag check-up ko. “Sinabi mo sa Doctor mo na may gender reveal na magaganap?” tanong agad ni Miya at tumango ako. Nagtext na rin ako sa Doctor ko para alam niya ang gagawin. “Tapos kailan gaganapin yung gender reveal?” tanong ko habang kumakain ng prutas. “Pag-usapan na lang natin kung kailan. Tsaka may nakausap rin ako ng gagawa ng cake mo.” Sabi agad ni Kyla. Talaga namang prepared sila sa mangyayaring gender reveal! “Are you excited?” tanong ko kay Anton na katabi ko lang. “Yes, sobra.” Sagot niya at napangiti ako. Napangiti ako sa sagot niya. Ibang klaseng saya ang nasa mga mata ni Anton, para bang matagal na niyang

