“May alam ka pa bang iba?” tanong ni Daddy at seryoso pa rin ang mukha niya. Huminga nang malalim si Anton. Kita ko sa mukha niya ang pag-aalangan, pero nagsalita rin siya. “May dahilan kaya ko pinilit makuha ang video na ‘yan, dahil hindi lang galit ang meron si Katie. May plano siya.” Sabi ni Anton. Nanlamig ang batok ko. “Anong plano?” tanong ko agad. Saglit siyang tumingin sa akin, parang nag-iingat. “Ginamit niya ang pagbubuntis niya para itali ako. Pero hindi akin ang batang nasa tiyan niya.” Parang huminto ang mundo. “Ano?” sabay na sabi namin ni Daddy. Si Allen, hindi na nagulat. Napatingin ako sa kanya. “Alam mo?” tanong ko. Mahigpit ang panga niya habang tumango. “Hinala pa lang noon. Pero may nakuha na kaming ebidensya.” Malamig niyang sabi. “Bakit hindi mo sinabi sa

