“Okay ka lang?” narinig ko ang boses nila Jessa na nag aalala. Nakatulog pala ako. “Nakatulog ka sa kakaiyak mo.” Mahinang sabi ni Kyla. “Nasaan sila Daddy?” agad kong tanong. Nag aalala agad ako kahit kagigising ko lang. “Umalis sila, binilin ka ng Daddy mo sa amin. May mga guards din sa labas. Ano ba nangyayari?” naguguluhan na tanong nila Miya. Alam ko rin na kinakabahan sila. “Matagal na pala akong pinaplaplanuhan ni Katie. Gusto niya akong patayin at si Daddy. Dahil sa inggit, manipulation, lahat.” Sabi ko at napahawak sila sa mga bibig nila. Gulat na gulat sila sa sinabi ko. “Teka, bakit ikaw? May kasalanan ka ba kay Katie?” tanong ni Kyla at umiling ako. “Ang nanay ni Katie ay kaibigan ng Mommy ko noon. Iyon pala kalaban na pala ang tingin ng nanay ni Katie sa Mommy ko. Lahat

