Hindi kami lumalabas ng bahay dahil iyon ang utos ni Daddy. Hanggang ngayon ay wala pa silang tatlo, hindi ko alam kung saan sila pumunta. I texted them, pero hindi sila nare-reply. Medyo kinakabahan rin ako ngayon. Palakad-lakad ako sa sala habang hawak ang cellphone ko. Ilang beses ko nang chine-check ang screen kahit wala namang bagong notification. Tahimik ang buong bahay pero hindi nakakapanatag ang katahimikang iyon. Mas lalo lang akong kinakabahan. “Gen, umupo ka nga. Nahihilo ako sa’yo,” sabi ni Jessa mula sa sofa. Hindi ko siya pinansin agad. Tumingin ulit ako sa phone ko. Wala pa rin. “Wala pa rin?” mahinang tanong ni Miya. Napailing ako. “Wala.” Sagot ko sa kanya. Nasa dining area si Kyla, hawak ang isang baso ng tubig na ilang minuto na ring hindi iniinom. Halata rin an

