After what happened, hindi na ako pinapansin ni Alena. Himala! The witch is over, hindi na siya umiimik, siguro napagalitan or what. Buti nga sa kanya, deserved! "Hello, Gen! Kamusta?" napatingin ako kay Kyla na tumabi sa akin dito sa pantry dahil nagtitimpla ako ng kape. "Okay naman. Hindi na nga ako ginugulo ni Alena." Kwento ko sa kanya. "Ay, wow! Himala! Kilala kasi diya dito na hindi umuuwi na talunan. Mag-ingat ka sa kanya, kasi tumitira ng pailalim 'yan." Pagkasabi ni Kyla ay agad siyang umalis. Hindi ko ba alam kung nadulas lang siya sa sinabi niya o ano. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Pero bigla rin akong nagtaka. Kahit tirahin niya ako ng pailalim, lalabanan ko siya. Hindi ko siya uurungan! Habang nagkakape ako ay biglang pumasok si Anton, pero kinindatan lang

