"Kamusta ka naman, Gen? As a secretary of Sir Antonio?" tanong ni Miya habang humihigop ako ng kape. "Okay naman and hindi naman mabigat yung trabaho. Sakto lang." Nakangiti kong sagot sa kanila. "Alam mo bang ikaw lang ang naging secretary ni Sir Antonio na babae?" napakunot ang noo ko. Wala namang nasabi sa akin si Anton na ako pa lang ang naging secretary niya na babae. "Talaga? Bakit daw?" tanong ko. "Ayaw niya sa babaeng secretary sinabi niyo noon. Kaya nung pumasok ka at nalaman namin na secretary ka niya, nagulat kami!" Kaya pala iba ang tingin sa akin ng mga tao sa hotel ni Anton noon. Grabi sila kung makatingin! "Pero kamusta ka naman? Hindi ka naman niya pinahihirapan?" tanong ulit ni Miya. Hindi ako nahihirapan, nasasarapan lang. "Hindi naman, okay naman ako. Ano ba kayo.

