19 “Gen!” Napalingon ako sa tumawag at boses pa lang niya ay kilala ko na agad! Tumakbo siya palapit sa akin at yumakap. “Buti naman nabisita mo ako, Jessa! Kamusta ka na!?” tanong ko ngumiti siya. Parang blooming siya ngayon at magaan ang aura. “Okay na okay. Ikaw? Uwian niyo na ba?” tanong niya sa akin at tumango ako. “Oo, ikaw? Wala ka bang work?” balik kong tanong sa kanya. “Leave ako ngayo—“ natigil sa pagsasalita si Jessa ng makita niya si Alena. “Dito rin pala nagtatrabaho ‘yang bastarda na ‘yan?” bigla akong naguluhan sa sinabi niya. “Teka, si Alena ba tinutukoy mo?” tanong ko at tumango siya. “Oo! Pero teka nga. Hanap tayo nang lugar, ‘wag dito.” Sabi niya at tumango na lang ako dahil ramdam kong nairita siya. Naghanap kami ng isang kainan at nag order lang ng merienda

