20 Hindi ako nakatulog ng maayos at inisip ko lang si Anton magdamag. Wala rin siyang tawag o messege man lang kaya nakakatampo! Mas lalo ako nag overthink. Maaga rin akong pumasok para makita ko agad si Anton. Pero kanina pa ako dito pero hindi ko siya makita. Para na akong nababaliw! “Gen?” napatingin ako kay Kyla na may hawak na cup. “Kape ka muna, kanina ka pa diyan tulala.” Inilapag niya ang isang cup ng kape at mukhang kakatimpla pa dahil umuusok pa. “Thanks, Ky! Okay lang naman ako.” Sagot ko sa kanya at ngumiti ako ng pilit. “Sigurado ka? Kanina pa kita napapansin na ang lalim ng iniisip mo.” Ang hirap kimkimin at parang mababaliw ako pero kailangan mong sarilihin ‘to. “Wala nga, Ky. Iniisip ko lang mga paperworks na binigay sa akin kasi medyo madami.” Ngumiti ako ng pilit a

