Chapter 69

836 Words

Nagising na lang kami kinabukasan dahil sa malakas na katok sa pinto. Dahan-dahan akong dumilat at ilang segundo akong nakatulala lang sa kisame. Ramdam ko pa ang lamig ng aircon at ang bigat ng katawan ko dahil sa antok. Paglingon ko sa tabi ko, nakapulupot pa ang isang braso ni Jessa sa bewang ko na parang unan niya ako. Si Kyla naman ay halos nakasubsob na sa isang unan sa paanan ko, habang si Miya tahimik lang na tulog sa kabilang gilid. Natatawa tuloy ako sa posisyon nilang tatlo. “Gen? Anak?Gising na ba kayo? Kakain na!” boses iyon ni Manang mula sa labas. Napapikit ako sandali at napangiti. Sobrang tahimik pa ngayon dahil hindi pa gising ang mga maiingay. “Girls…” mahina kong tawag. Walang gumalaw. “Jessa…” muli kong sabi habang tinatapik ang kamay niyang nakayakap pa sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD