“Tito,totoo po bang mini garden ni Gen ‘yong nasa likod?” Tumango si Daddy. “Oo. Nahilig kasi siya magtanim.” Sagot ni Daddy habang nakangiti. “Ang cute nga po. Parang bagay sa kanya,” sabi ni Miya. “Hindi ko nga inexpect na matututo siya ng ganon,” sabi ni Daddy at napatingin sa akin. “Pero mas mabuti na rin. Kahit papaano, nalilibang siya rito.” Napangiti lang ako. Alam kong marami nang nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraang buwan, at malaki ang pasasalamat ko na hindi ako pinabayaan ni Daddy kahit hindi siya palaging nasa bahay. Hands on at spoiled pa rin ako sa kanya. “Madami na rin siyang tanim doon. Nung kamakailan, pinagtanim niya si Allen.” Napatingin silang tatlo sa gulat. “Oh? Bakit? Gusto rin naman niya magtanim.” Depensa kong sabi. “Gusto? O pinilit mo? Pinapanuod k

