“Kainis ka.” Sabi ko kay Allen habang magkatabi kami sa garden. Sila Jessa nandoon sa kusina at may niluluto sila para sa merienda namin. Iniwan nila kami ni Allen para makapag usap daw. “Ano na naman, buntis? Akala ko ba gusto mo akong makita? Ngayon na nandito ako naiinis ka?” mahinang sabi niya. “Wala lang. Basta naiinis lang ako.” Sabi ko sa kanya. “Pregnancy hormones,” mahinang sabi niya. “May sinasabi ka?” tanong ko at umiling siya. “Wala, ano ka ba.” Sabi niya at sakto dumating sila Jessa. May dala silang bananacue. Natakam naman agad ako habang mainit init pa. Pero nahuhuli ko na nakatingin si Allen sa akin. Hanggang sa matapos kaming nag merienda. Pumunta muna ako sa sala para maupo dahil sumasakit ang likod ko. Nakita ko namang sumunod si Allen sa akin. Pansin ko na ka

