Pagkatapos ko namin mag swimming ay nag aya na rin ako pumunta dito sa kwarto namin. Uuwi na rin kami bukas at gusto ko magpahinga agad. Pero sila Jessa parang walang balak samahan ako dahil nag-iinuman na sila. Kaya naman hinayaan ko na lang sila mag enjoy. “Haliparot ka talaga!” napatingin ako sa nagsabi sa akin non. Si Katie. “Ha? Anong sinasabi mo?” akmang sasabunutan niya ako pero nakaiwas ako. “Kanina ka pa tumitingin kay Antonio! Kahit kailan hindi ka niya gusto! Magkakaanak na kami! So back off!” natawa naman ako sa sinabi niya. “Ano’ng nakakatawa?” gigil niyang tanong habang nakapamewang pa sa harap ko. Halatang galit na galit siya at parang kanina pa niya hinihintay na mapag-isa ako para lang lapitan. Ngayon ko lang kasi hindi kasama sila Jessa, kaya tinimbrehan ako nito.

