Habang nandito kami sa dinner buffet area ay nilapitan agad ako ni Allen. Napatingin tuloy sila Kyla agad. “Okay ka na?” tanong niya at tumango ako. “Thanks sa gamot at prutas.” Sabi ko at ngumiti siya. Napansin ko si Anton na nasa gilid, nakatingin sa amin ni Allen habang nag sisigarilyo. Napalunok ako dahil ang sama na naman ng tingin niya kay Allen. Hindi ko ba alam sa kanya bakit ganon ang tingin niya kay Allen. Wala namang ginagawa si Allen sa kanya. Habang kumakain kami ay tumabi sa akin si Allen. Kinikilig naman ang mga kaibigan ko! “Kumain ka ng marami para may lakas ka.” Napatingin ako kay Allen dahil sa sinabi niya. “Sana all!” inirapan ko si Jessa dahil naninimula na naman siya mag ingay! Nakita naman namin sila Anton at si Katie na magdi-dinner na rin. Makalingkis si Ka

