116 Napahigpit ang yakap ko sa sarili ko habang nakatingin kay Daddy. Tahimik ang buong sala pero ramdam na ramdam ko ang bigat ng sitwasyon. Para bang bawat segundo, may paparating na kapahamakan. Hindi ko maipaliwanag ang kaba sa dibdib ko. Hindi na ito simpleng away o pagbabanta lang. Buhay na namin ang nakataya ngayon. Sa paligid ng bahay, abala ang mga guards sa pagpoposisyon. Naririnig ko ang mga yabag nila at ang mahinang pag-uusap sa labas. Maging ang hangin sa gabing iyon ay tila mabigat. Napatingin ako sa oras. Alas nuebe y medya ng gabi. Tatlumpung minuto na lang bago dumating ang oras na sinabi namin kay Katie. Kinakabahan ako pero nangingibabaw ang galit ko. Nasa rest house na kaya sina Sebastian? Sana ligtas silang nakarating. Sana hindi sila nasundan. Hindi ko kakayanin

