Nanigas ang buong katawan ko habang nakatutok ang baril ni Katie sa noo ko. Nanginginig ako. Pero pilit ko rin nilalakasan ang loob ko. Hindi ako pwedi magpakita ng kahinaan dito. Sa likod ko, mahigpit na yakap ni Miya ang anak niya habang umiiyak ang mama niya sa tabi namin. Rinig ko pa rin ang putukan sa harapan ng bahay pero parang biglang lumabo lahat ng tunog. Si Katie lang ang malinaw kong nakikita. At ang nakakabaliw niyang ngiti. “Akala mo matatakasan mo ako?” malamig niyang tanong habang dahan-dahang lumalapit. Mahigpit kong kinuyom ang kamay ko. Ang lakas rin ng kabog ng puso ko. Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Gusto ko agawin ang baril na hawak niya pero baka mapaano sila Miya. “Katie… tama na.” madiin kong sabi. Tumawa siya. Mabagal. Nakakatindig-balahibo na mala-demo

