Ilang oras ding naging tahimik ang buong bahay matapos ang pag-uusap namin nila Daddy. Tahimik pero mabigat. Parang kahit wala nang panganib, walang gulo, hindi pa rin tuluyang mawala ang takot na naiwan ng gabing iyon. Parang panaginip nalang ang lahat. Nakatulala lang ako sa tasa ng kape ko habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang lahat. Ang dugo, ang baril at sigaw ni Katie at ang huling tingin niya bago siya mawalan ng buhay. Bigla kong naramdaman ang marahang pagpisil ni Anton sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Tahimik lang niya akong tinitigan. Punong-puno ng pag-aalala ang mga mata niya kahit tapos na ang gulo. “Stop blaming yourself,” mahina niyang sabi. Pilít akong ngumiti pero halatang hindi ako kumbinsido doon. “Hindi ganon kadali.” Sagot ko at huminga siya na

