Habang nakaupo ako dito sa garden ay napaisip ako, what if bumalik na kami sa siyudad at magsimula ulit? Kasi sa tuwing nakikita ko itong bahay ay bumabalik lahat ng alaala, lahat ng kaguluhan. Araw-araw pag gising ko, naaalala ko agad. Lahat-lahat nang mga nangyari dito noon. "Love? Ano iniisip mo?" napatingin ako kay Anton habang hawak ang anim na buwan naming anak. "Pwedi bang sa syudad na lang tayo, love?" tanong ko at napatingin siya sa akin. "Is that what you want, love?" tanong niya at tumango ako. "Oo, love. Gusto ko. I want new life." Sabi ko at tumango ulit siya na para bang nag iisip agad. Tahimik lang siya. Hindi ko alam kung nag-iisip ba siya o kung naguguluhan din. Pero pagkatapos ng ilang segundo, nag-salita siya. “Alam mo love, siguro nga kailangan mo na ng bagong si

