Pag gising ko ay nakita ko si Anton na nakahiga sa may sofa sa gilid ng kama ko. Kusot pa ang polo niya at dahan-dahan naman akong bumangon. “Gising ka na?” tanong niya at bigla siyang lumapit para alalayan akong tumayo. “Good morning,” bati ko at ngumiti siya. “Good morning.” Pabalik niyang bati sa akin. “Hindi ba masakit ‘yang likod mo? Tumabi ka na lang sana sa akin.” Sabi ko at natahimik siya. “Pinapaunod kitang matulog kagabi, mukhang hindi tayo kakasya sa kama mo.” Pinalo ko ang braso niya. “Kapal mo ha!” agad kong sabi. “You need more pillows.” Sabi niya agad. “Ang dami ko ng unan,” depensa ko. “Yung unan na parang hotdog? Para hindi ka mahirapan pag tumatagilid ka.” Sabi niya at napaisip agad ako. Oo pala no? Malaki mahaba ‘yon. “Tara na nga, labas na tayo.” Sabi ko sa k

