Sa gabi, habang nagpapahinga kami, nakatingin kami sa stack ng invitations, sa selfies, at sa mga text messages ng mga kaibigan na excited na rin. Ang bawat yakap, tawa, at ngiti ay nagtatakda ng mood para sa pinakamasaya naming araw, ang araw ng aming kasal. Habang natutulog si Seb sa gabi, nakangiti kami, alam na ang bawat moment, kahit simpleng handover lang ng invitation, ay nagdala ng joy, love, at connection sa buhay namin. “Love?” tawag ni Anton sabay yakap sa likuran ko habang nakahiga kami. “Excited na ako sa kasal.” Sabi niya at napangiti ako. “Same, excited na rin ako.” Sabi ko at humarap sa kanya. Tahimik na sandali ang dumaloy sa pagitan namin. Nakatingin ako sa mata niya at naramdaman ang buong mundo na parang huminto sandali. Ang bawat linya ng mukha niya, bawat ngiti,

