“Love, ready na ba tayo simulan ang pagbibigay ng invites?” tanong ni Anton habang hawak ang stack ng envelopes. Ang mga pangalan sa listahan ay carefully chosen na agad, Jessa at Allen, Kyla, at Miya ang mga tao na pinakamalapit sa amin at sa buhay namin. “Yes. Gusto kong maging personal ang bawat handover. Hindi lang basta ipapadala sa mail o chat. Kailangan may face-to-face reaction, lalo na kay Jessa, Kyla at Miya.” Sagot ko sa kanya. Si Seb ay tumawa nang konti habang inaalalayan ni Anton sa kanyang carrier. Napangiti ako. Kahit baby pa lang siya, ramdam ko na part siya ng bawat step sa journey namin. Ang wedding ay hindi lang tungkol sa ceremony, kundi sa presence ng mga tao na mahalaga sa amin. Nauna na kami sa condo ni Jessa. Tinawagan ko naman siya kanina at sakto nandon si All

