Habang maaga pa ay sobrang daming gagawin, at halatang busy na ang araw. Si Seb ay nakahiga sa play mat, ilang buwan pa lang, pero curious na sa paligid niya. Ang maliit niyang kamay ay abala sa mga hanging toys habang tumatawa sa bawat tunog at galaw. Nakangiti ako sa kanya at bawat tawa niya ay parang energy boost sa akin. Si Anton naman ay nasa kitchen, nag-set up ng light breakfast para sa amin. Hindi ko ba alam bakit laging siya ang naghahanda ng breakfast namin. “Gen, habang kumakain tayo, gusto mo ba simulan na natin plan para sa wedding coordinator?” tanong niya. Napaka-hands on at hindi halatang excited siya. Tumango ako, sabay hawak ng tasa ng kape. “Yes. Kailangan natin i-consider na kahit intimate wedding lang, marami pa rin logistics, venue, timing, flowers, chairs, music

