Umaga na sa bahay namin, at busy na agad si Anton sa kusina. Nagluluto siya ng scrambled eggs at puré para kay Seb, habang si Seb, ilang buwan pa lang, ay nakahiga sa play mat sa sala, tinitingnan ang kulay at tunog ng kanyang mga laruan. Ang maliit na kamay niya ay abala sa paghawak ng mga hanging toys, at kahit baby pa lang siya, halatang curious na siya sa paligid. “Morning, my love.” Masayang bati sa akin ni Anton habang inihahain ang almusal. Nakangiti siya, palaging nakangiti kapag nakikita niya si Seb na tuwang-tuwa sa pagkain o sa simpleng galaw ng kamay niya. “Morning,” sagot ko, ngumiti rin. Nagtataka ako kasi may mga kasambahay, pero siya pa rin ang nagluto. “Si Seb, mukhang ready na rin sa pagkain.” Si Anton ay nag-set up ng maliit na high chair para kay Seb. “Okay, para ma

