“Late na ba ako!?” nagulat kaming lahat nang biglang pumasok sa condo ni Jessa si Kyla. Nakita namin ang dami niyang dala-dalang paper bag. Halatang abala siya sa trabaho o errands bago dumating. Agad namang kinuha ni Allen ang mga bag na iyon para bitbitin. “Late ka na,” sabi ni Jessa habang pinagmamasdan ang kaibigan. Lumapit si Kyla kay Seb, ang baby namin na ilang buwan pa lang, at dahan-dahang inamoy ang kanyang leeg. Ganito talaga si Kyla kapag nakikita niya si Seb parang naaakit siya sa amoy ng anak ko at lagi siyang napapangiti. “Anong chismis?” tanong ni Kyla habang umupo sa tabi ko. “Buntis ako,” sagot ni Jessa. Napatingin si Kyla sa akin, halatang hindi siya makapaniwala. “Ay weh!? Kailan lang noong umamin ka sa amin ni Gen! Tapos ngayon preggy ka na? Allen, ang bilis nama

