CHAPTER 1- Lucy and Tristan
※ LUCY's P O V ※
Ito yung isa sa mga araw na sobrang busy ng lahat sa kanya-kanyang nakatokang gawain dito sa kompanya .
Our Company , Sandoval Empire are known here and abroad for it's chain of hotels and restaurants . At sa libo-libong nag-apply , maswerte naman ako dahil ako ang mapalad na naging secretary ng may-ari ng kompanya , Ang nag-iisang Tristan Ashton Sandoval . With his good looks and charisma , hindi na nakapagtataka na talagang kilala ang kompanya .
Tatlong taon na rin ako nagtatrabaho sa kanya . Matagal tagal na rin pala . Siguro kaya din ako nagtagal ng ganoon dahil maganda ang pakikitungo namin sa isa't isa . Magandang Boss-Secretary relationship kumbaga . Siguro dahil na rin "Strictly Professional" ang trato namin sa isa't isa kaya hindi awkward ang pagtatrabaho ko bilang secretary niya .
We just know our boundaries and i'm glad we keep it that way .
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
It was 4'o clock in the afternoon already . Malapit ng matapos ang oras ng trabaho . Papunta ako ngayon sa office ni Sir Tristan dahil pinapatawag nya raw ako sa office niya sabi ng Personal Assisstant niyang si Leo . Si Leo ang palaging kasama ni sir dahil siya ang mas nakaka-alam ng mga bagay na may kinalaman sa mga personal na kailangan ni Sir Tristan .
Nang nasa harapan na ako nang pinto ng office ni Sir ay kumatok muna ako ng tatlong beses bilang permiso sa kanya .
" come in " sagot niya sa loob kaya pumasok na ako . Pagpasok ko ay nakita ko siyang nagbabasa ng mga papeles .
" Good Afternoon Sir , " bati ko sa kanya .
" Good Afternoon Lucy , Can you please look for this old file in the storage room i need it first thing in the morning please ? " sabay abot niya sa isang sticky note kung saan nakasulat ang series ng file na hahanapin ko .
" No problem sir . "
" And kung wala kanang gagawin you can go home immediately " Dagdag niya . Kita niya siguro sa mukha ko ang pagod .
" Thank you Sir . " Yumuko ako bilang pasasalamat sa kanya at binalik na niya ang paningin niya sa mga papeles na nasa harapan niya kanina .
Nang bubuksan ko na sana ang pinto ay siya naman ang pagpasok ng walang pasabi ni Calix , ang bestfriend ng boss ko na nagkataon naman na kaklase at ka-close ko nung high school sa probinsya namin . Small World hindi ba .?
Doon si Calix pinag-aral ng papa niya sa probinsya para magtanda at tumino raw dahil sa sobrang pagka-pasaway . Tumino naman siya dun kaya pagka-graduate niya ay dito na ulet sa maynila pinagkolehiyo ng papa niya .
Nang magkita kami ulit dito sa kompanya ng minsang dumalaw siya ay laking pasalamat ko dahil walang pinagbago sa pakikitungo niya sa akin . Nandoon pa rin ang asaran at biruan naming dalawa .
" Hello everybody ,
Good Afternoon Tristan ,
Good Afternoon my Lulubells "
Bati niya sa aming dalawa ng boss ko . And as usual , Hindi pa rin niya nakakalimutang tuksuhin ang pangalan ko sa tuwing magkikita kami .
"Good Afternoon rin sayo , CALIXTO "
at syempre hindi ko rin makakalimutan ang kahinaan niya . Ayaw na ayaw niyang tawagin siya sa buong pangalan niya dahil kapangalan raw 'yon ng lolo niya sa tuhod . Feeling raw niya nasa tabi niya 'to sa tuwing tinatawag namin ang buong pangalan niya . Napapatawa pa rin ako sa tuwing naiisip ko yun dahil ang tanda tanda na ay matatakutin pa rin . kitang kita sa kanya ngayon na nag-iba ang timpla ng mood niya pagtawag ko sa kanya nun .
" Tristan oh , si Lucy " sumbong niya sa boss ko . I smirked dahil alam kong siya ang pagagalitan ngayon .
" You deserve it and besides you don't even know how to knock . Lucy you may go " kalmadong sagot sa kanya ng boss ko habang nagbabasa pa rin ng mga papeles niya . At dahil hindi siya nakatingin , Binelatan ko muna si Calix bago ako lumabas , kinindatan naman ako ng loko at nginitian ako . Ngumiti ako pabalik sa kanya bago ko isara ang pinto . Hanggang ngayon pa rin talaga hindi pa rin nagbabago maloko pa rin at thankful ako kasi hindi nagbago ang samahan naming dalawa . I smiled at that thought .
Pagkabalik ko sa mesa ay dinikit ko sa side ng computer ang sticky note na bigay ni sir para hindi ko makalimutan gawin bukas at tinapos ko yung ginagawa ko kanina bago ako tinawag ni Sir Tristan . Nang matapos na ako ay inayos ko ang mga gamit ko para maka-uwi na . Masaya ako dahil medjo maaga-aga rin ako makakapagpahinga ngayong araw na 'to .
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Author's Note
Hi guys , Welcome po dito sa aking kwento . Sana ay magustuhan niyo po ang story nila Lucy at Tristan .
Pagpasensyahan niyo po ako sa mga maling grammar o spelling .
Please note po na subject for editing pa po ito , hindi ko pa po siya na-finalize . But don't worry aayusin ko rin po siya on my free time . As of now kasi nahihirapan po ako hatiin yung oras ko sa trabaho at pagsusulat pero i'll try my best to make it good as possible . Please bear with me lalo na first time ko po magsulat dito .
Maraming Salamat po : *
Thank you po sa pagbabasa . . . ♡ ♡ ♡
God bless po and keep safe ♡ ♡ ♡