Natigilan at natulala si Marigold, ngunit tila hindi ito alintana ng babae, nakangiti pa itong nagpakilala sa kanya. "By the way, I'm Marisol Fontabella, nice to meet you." Kinuha nito ang kamay ng dalaga at nakipag-kamay dito. "Marigold Magbanua, right? Nakakatuwa ano, pareho tayong 'Mari' ang simula ng pangalan natin.... Sige na. Baka kasi hinahanap na 'ko ng boss mo, e." Pagkatapos ay lumabas na ito, naiwang tulala si Marigold sa sinabi nito Nagtagal ng ilang sandali bago siya lumabas ng restroom. Pagbalik n'ya sa mesa ay sinimulan na niyang tupdin ang tungkulin niya sa trabaho, ngunit lumilipad ang kanyang isip. Napapansin ito ni Mr. Javier kaya panay ang paalaala nito sa maling ginagawa ng dalaga. Nang matapos na ang meeting ay inihatid sila ni Marisol sa labas. Nagulat si marigold

