Sa hapag-kainan, walang ibang maririnig kundi ang tunog ng sandok at plato habang pinagsisilbihan at ipinag-sasandok ni nanay sela ng pagkain ang mga nasa malaki't mahabang mesa. Matapos maipag-sandok ng kanin ang lahat ay iniunat muna niya ang masakit niyang balakang. "Hayy..." Bigla siya nailang at nahiya sa inasta sa harapan ng mga nasa hapag, ngunit nakahinga s'ya nang maluwag nang makitang tila wala naman'g nakita ang mga ito. Itinuloy na niya ang pagsisilbi. Tumikhim si Chardon, kanina pa ito naiilang sa sitwasyon. Matapos ng pag-uusap at ng ginawang paghalik ni Marisol sa kanya sa sala ay tila na-conscious na ang babae sa kanya at parang hindi na ito makatingin sa kanya nang diretso. Ngunit ang talagang nakapag-pailang kay Chardon ay ang guilt na nararamdaman nya para kay marig

