Sa isang iglap ay nawala ang inis na nararamdaman ni Chardon para kay marigold nang makita ito sa bisig ng iba. Kanina lang ay nagpupuyos siya nang umalis nang Villa dahil sa dalaga. Naisip niyang pagbigyan ang gusto nito, ngunit pumayag siya gawa ng sobrang inis at pagka-irita na rin sa sarili. Nang dumating ang driver ni Marisol para sunduin ang babae ay may kagaspangan niyang kinuha si Marisol mula sa pag-alalay at pag-akay nito. Nagulat man ang babae sa inasta ni chardon, ngunit lihim itong natuwa't nagdiwang. Si Chardon ang nagmaneho at naiwan ang Driver ni Marisol sa labas ng Villa na napapakamot ng ulo. Habang bumibiyahe ay kinakausap ng babae si chardon, ngunit hindi naman ito sumasagot. Batid ni marisol na mainit ang ulo nito, ngunit hindi n'ya alintana iyon dahil gusto niyang

