Kumubli agad ako sa likod ni jonas sa takot na baka mapatingin si Mr. Atanante sa direksyon namin at makita ako. Lumingon sa 'kin si jonas. "Marigold, what's wrong?" "Jonas, hindi ako puwedeng makita ni Mr. Atanante." Bulong ko sa kanya. "O-oo nga pala ano! You need to hide, hurry!" Tumalikod si Jonas sa entrance at tinakpan ako. Ngunit bago pa man ako makatakas ay: "Jonas, kuya Chardon is here. And he doesn't seems to know about your girlfriend." Nanigas ako bigla at hindi ko na magawa pang kumilos nang marinig si chesca. Hindi ko tuloy magawang umalis sa mga bisig ni jonas. Nagulat ako nang bigla lumapit si chesca at hatakin ako. Nahatak niya pati ang suot kong dress, naramdaman ko tuloy na lumuwag ang strap nito. "What are you doing‽" Sigaw ni jonas habang inilalayo ako kay ches

