"Chesca!!" Nang dumating si jonas ay naaktuhan niya ang panghaharas ni chesca sa 'kin. Hindi ko mabita-bitawan ang dress ko, pakiramdam ko kasi'y anumang oras ay malalaglag ito. Agad lumapit si jonas at sinaklolohan ako. "Stop it!" Dahil ayaw paawat ay bahagyang naitulak ni jonas si Chesca. Napaatras si chesca at parang hindi makapaniwalang nagawa siyang itulak ni jonas. "Y-you dare to push me, because of this slut?" Dinampot ni Jonas ang coat sa sahig at isinuot iyon sa 'kin. "And why not? Napaka bayolente mo. Saka, hindi slut si marigold, okay?" "Heh, hindi s'ya slut? Alam mo bang pinagsasabay n'ya kayo ni kuya chardon?" Nagtaka si jonas at napalingon sa 'kin. "Walang nangyaring gan'un, ipapaliwanag ko sa 'yo mamaya." Wika ko sa kanya. Ipinasuot sa 'kin ni jonas ang dala niyang

