Parang nanigas ang mga paa ni marigold sa kinatatayuan at hindi n'ya magawa ang lumapit pa. Nakatingin siya sa lalaking may naka-aangat na karisma sa mesa habang busy ito sa pakikipag-usap sa isang matandang lalaki; ang lolo ni Maricris.Habang nakikipag-usap ay tila hindi nito alintana ang babaeng parang sawa'ng nakapulupot sa kanya at hinahayaan lang n'ya ito. Sa mga oras na 'yon ay gusto nang magtago ni marigold nang makita si chardon nang hindi inaasahan at.... nang makitang may babaeng nakayap dito. Dahil hindi pa man nakakalapit ay nagpalinga linga si marigold para hanapin ang manager na nag-utos sa kanya. Ayaw na niya. Naisip niyang hindi na sana siya pumayag. Sa malayo-layo nama'y sinusubaybayan ni vivian at ng kasama niyang babae si marigold nang makita nilang bigla itong inutusa

