"T-that...." Tanging iyon lang ang narinig kong salita mula kay Mr. Atanante. Mukha siyang nagulat sa sinabi ko. Siguro'y talagang magugulat s'ya dahil hindi n'ya akalaing madidiskubre ko ang pagloloko n'ya habang nililigawan niya ako noon. Tulala na lang siya sa 'kin at hindi na makapagsalita. Biglang nanlamig ang puso ko. Kanina lang nu'ng nag-uusap kami, ramdam kong totoo ang sinabi niyang gusto niya ako at parang gusto n'ya akong suyuin uli. Parang nagkaroon ako uli ng pag-asa. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa bulaklak na nasa bisig ko at mapait na napatingin sa kanya. At least ngayon, nasabi ko na. Nasabi ko na ang dahilan kung bakit ko siya tinaggihan. Gagaan na rin siguro ang loob ko. "If.... If I said that... that I have a reason, would you believe me?" Napayuko ako..... Reaso

