Pumihit si Chardon sa gawi ni marigold na nasa harap. "Tell us about the marketing report of your department. We need your enlightenment and lecture on this presentation." Nadagdagan ang kabang nararamdaman ng dalaga nang makita ang Ceo. Ngunit bigla n'yang naalala ang sinabi ni jonas kanina. Saka lang n'ya naisip kung bakit siya nandito. Yumuko si marigold at kinalma ang sarili. Bigla n'yang naalala ang pangako niyang patutunayan niya ang sarili niya. 'Ito na 'yun! Kailangan kong pagbutihan!' Nang umangat ang kanyang ulo ay wala na ang bakas ng kaba at nerbiyos nito. Tanging determinasyon at paninindigan na lang ang makikita dito. 'Okay.... ' "Hello everyone, I'm Marigold Magbanua from a marketing department. And as I stand here, I will explain every detail about the proposal report o

