Madaling araw na ay gising pa rin ako. Paikot-ikot lang ako sa higaan at hindi ako makatulog kahit anong gawin kong puwesto.Kasalanan talaga ito ni Mr. Atanante e. Umupo ako't kumuha ng tubig. Habang umiinom ay biglang lumitaw sa isip ko ang imahe ni Mr. Atanante, habang hawak n'ya ang mukha ko at habang sinasabi sa 'kin ang confession n'ya kanina. Nang sinasabi sa 'kin ni Mr. Atanante iyon ay hindi ako makatingin sa mga mata n'ya kaya sa bibig n'ya ako tumingin. Bawat pag-galaw at pag-kibot ng kanyang labi ay parang gayuma sa 'kin at parang nalimutan kong nasa alanganing sitwasyon ako sa opisina n'ya kanina. "Pftt!" Hindi sinasadyang naibuga ko ang iniinom ko. Agad akong kumuha ng pamunas. Paano ko ba haharapin si Mr. Atanante? E kung ngayon pa lang na naisiip ko s'ya ay ang bilis n

