Nagmamadali akong nagluto ng breakfast namin hanggang sa nagkampapaso na at nataga ako dahil hindi ko akalain na ilang araw na kami sa Pilipinas ay ganito agad ang tambak na trabahong kailangan kong harapin. Enrollment pa at kailangan ko ng ibigay ang mga papers na kailangan sa school na gustong pasukan ni Reziel dahil doon daw nagtapos ang daddy nya. Natatakot ako na baka magkita kami doon at paano kung doon din nag-aaral ang anak nila? Tinawagan ko si mommy na kung maari ay siya ang sumama kay Reziel na mag-enroll. Ipinaliwanag ko naman na kay Reziel at nauunawaan niya ang sitwasyon. Lakint pasasalamat ko din na willing sumama ni Mommy sa kabila na may kailangan siyang puntahan. "Baby, kumain ka na, you need to be early for your early enrollment baka dumating na si lola." Sigaw ko di

