Nagising akong mabigat ang pakiramdam ko. Inilibot ko ang paningin ko ng mapagtanto kong nasa isa akong malaki at puting kwarto. Ipinilit kong bumangon ngunit puro paalala at pagsesermon ang sumalubong saakin. "Didn't I tell you na magpacheck-up ka? Kung hindi pa sinabi saakin ni Liam na hanggang ngayon ganyan pa rin ang nararamdaman mo. Baka dala yan ng pagbubuntis mo kay Reziel. God! Kailangan ka ng anak mo!" Stressed na stressed na turan ni mommy. Hindi ko maibigay ang ngiti na binibigay ko dati para sabihin sa kanila na okey lang ako. Umupo ako at isinandal ang likod ko sa bed board. "Si Reziel? Kumusta sya? Gusto ko syang puntahan." Mahinahong sabi ko sakanila. Baka hinahanap na ako ng anak ko. Baka natatakot na sya. Lumapit saakin si mommy at yinakap ako. "Tatagan lo ang sarili

