Nagising ako na may mabigat na kamay ang nakadagan sa aking dibdib. Malabong braso iyon ni Reziel kaya aligaga akong tumayo at tinulak si Aiden. Pu-pungat-pungat niya akong tinignan at maging ang anak naming may hawak ng camera. Sa sumunod na pagtunog nito ay hinigit ako ni Aiden sa kanyang bisig at hinalikan niya ang buhok ko. Tinakluban ko naman ang mukha ko dahil baka ang panget ko roon dahil kagigising lang. "Mommy, I saw daddy sleeping at our living room couch, so I woke him up that night and let him sleep with us." Paliwanag niya gamit ang maliit niyang boses. Lumapit ako sa at kinarga siya. Ramdam ko ang pagsunod saakin ni Aiden at nilalaro si Reziel sa likod ko. Pinaupo ko ito sa sink at sabay kaming nagtooth brush. Itinuro pa niya si Aiden na nakatingin lang saamin. "Mommy pah

