bc

Save my Lust, Doctor

book_age18+
5.5K
FOLLOW
24.1K
READ
goodgirl
boss
comedy
twisted
bxg
humorous
lighthearted
witty
first love
colleagues to lovers
like
intro-logo
Blurb

Ever since he was a child, Kairee Wozeldee was so sure on what he wanted; to never disappoint his parents, to be a successful surgical doctor, and to get Cassy's heart.

Kairee was known to be so serious; a snob perhaps. Except for Cassy Pamintuan. He wasn't talkative but he tend to talk a lot when Cassy was around. Binabara niya ito, inaasar, kinukulit, with the hope na magugustuhan din siya ng babae sooner or later.

He was in the midst of reaching the three things he always wanted. Cassy was starting to like him; that should be a success for him BUT an unexpected event happen.

While Cassy was starting to have a feelings with him. A jolly woman enters the story.

Habang nahuhulog na si Cassy kay Kai. Natagpuan ni Kai ang sarili na nahuhulog sa ibang babae; Cassy fell, but Kai saved someone else; A woman named Shazmin Prieto.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"As you all may know me already, I'm Shazmin Prieto, nineteen; future doctor kung hindi man palarin, future hubby na lang ng doctor." Nagtawanan ang mga blockmate ko and so I couldn't stop giggling as well. Sumilay ako kay Kairee bago ako umupo sa chair ko. Ang gwapo talaga kahit poker face lang. It was another school year; second year na kami. Kaunti na lang ay matatapos ko na ang madugong medtech course na 'to. Minsan napapaisip na talaga 'ko kung tama bang ito ang pinili ko. Well I must say, si Kairee lang naman ang dahilan kung bakit ko 'to kinuha. I heard he was pursuing a doctor's degree kaya nahulaan kong magme-medtech siya. "Iyan na iyong crush mo." Siniko ako ni Oliver. Isa pa siyang may pagtingin kay Kai kaya nag-medtech din siya. "Akin na siya bakla ha." Hinila ko ang buhok niya na hanggang ilalim na ng tainga ang haba. In fairness nga kay Oli, dati nahihiya pa siyang ilabas ang pagkamalambot niyang side. I was just proud na confident niya ng napagsisigawan na part siya ng l***q. "I'm Kairee Wozeldee." "That's all?" tanong ng prof nang maglakad na si crush pabalik sa upuan niya. "Yes, sir." Tumango ang prof namin. Maduya! Kapag iba ang tipid magsalita, sinisita at pinapaulit ni prof. Kapag siya, okay lang? Palibhasa'y anak siya ng may-ari ng isang sikat na hospital. Sponsor din ang magulang niya sa school na 'to; bigtime talaga ang baby ko. "Man of few words." Oli giggled. "Ka-turn on, 'te." "Sabi ko, akin na siya diba?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Girlfriend ka 'te?" Aba'y gago, mapang-asar pang tumawa. "Di ka nga pinapansin." "Anong hindi?" "O bakit? Kailan siya ngumiti sa 'yo?" Kinagat ko ang ibabang labi ko sa gigil. Name-mersonal na siya ha. Naalala ko tuloy ang mga pagpapapansin ko na in-ignore lang ni Kai. Medyo bastos pero bagay naman; ang gwapo niya kasi lalo na 'pag hindi nakangiti: my mister suplado. "Abangan mo--" "Miss Prieto and Mister Daigdigan, would you mind sharing your discussion to us?" Napaayos ako ng upo. Malapit ng umusok ang ilong ng prof namin; hindi ko namalayang nagsimula na pala siyang mag-discuss. "Sorry, sir." Halata sa boses ni Oli na nagpipigil pa siya ng tawa. Pasimple kong tinignan si Kai nang magsulat ulit sa board ang prof namin. He was busy writing on his notebook. Mula sa malayo, tanaw na tanaw ko ang matangos niyang ilong na pinapangarap ko lang na mapisil. Sana soon makurot ko iyon para ma-confirm ko kung totoo kasi baka nagpagawa lang siya ng nose. Wala namang perpektong tao, pero parang ang perfect niya talaga. "First day of school pa lang ang dami na agad requirements; my gosh!" Oli flipped his imaginary hair. Tumawa lang ako habang nilalapag ang gamit ko sa lamesa at ang ilan ay sa katabi kong upuan since pumwesto kami sa four sitter table sa may fastfood kahit dalawa lang namin kami ni Oli. "As expected. Ikaw na um-order ha. Chicken akin." Inayos ko ang palda ko bago umupo sa upuan. "Anong ako? Ikaw na! Ako na um-order nung nagkita tayo kahapon ah." "Ano naman? Ikaw na! Magpaka-gentleman ka naman kahit minsan." Inabot ko sa kanya ang pambayad ko. "Hoy kapal mo! Gentleman." He rolled his eyes. "Mas maganda nga 'ko sa 'yo." Tututol pa dapat ako pero naagaw ng mga lalakeng nagtatawanan na kadarating lang ang atensyon ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Kai na kasama sa grupo. Tawang-tawa ang mga tropa niya habang pokerface lang siya. Napagi-giggle tuloy ako sa ka-cute-an niya. "Guys si Kai na raw o-order. Tara Alexis, hanap tayo upuan." Inakbayan ni Rimuel si Alexis 'tapos nag-ikot sila sa paligid. Kilala ko na ang mga tropa niya dahil nga dakilang stalker ako ni crush. Naka-finger cross ako sa ilalim ng mesa, hoping na matapat sila sa pwesto namin. "Sige ako na o-order, bakla!" Tumayo si Oli. "Hindi. Ako na." Agad ko siyang hinarangan. Tinulak ko siya pabalik sa upuan niya ta's mabilis akong tumakbo patungong pila. Pinigilan ko ang sarili na mapatalon sa tuwa lalo nang walang nakauna sa akin sa pila; na sa harapan ko ang crush ko! Pasimple akong mas lumapit pa sa kanya. Napapikit ako sa relaxation ng amoy niya matapos kong singhut-singhutin ang likuran niya. s**t! Gustong-gusto ko na siyang yakapin, pakiramdam ko maiihi ako sa kilig. Tinignan ko ang pila, medyo mahaba pa. Malayo pa kami sa counter, more time to be so close to him. Hindi ko napigilan ang sarili, kinalabit ko siya. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang magtama ang mga mata namin. I could imagine us being so cute habang nakatingala ako sa kanya't nakayuko naman siya sa 'kin. I just wished mas tumangkad man lang sana ako nang kaunti para hindi gaanong mahirap kapag maghahalikan kami. Binalik niya ang tingin sa harapan nang hindi ako nakapagsalita't nanatili lang nakangiti sa kanya. Mas gwapo talaga siya sa malapitan; napaka-poreless. Napahawak ako sa mukha ko; makinis naman ako, pero bakit parang sobra-sobra ang pagkaputi at pagka-glowing ng kanya. "Bro, french fries lang daw pala kay Paulo." Napatingin ako sa lumapit sa kanya. It was the famous Adam, kilalang-kilala siya sa school namin dahil sa pagka-fuckboy niya. Lahat na yata naiyot niya maliban sa 'kin. Loyal ako kay Kairee ko. "Hi miss," bati sa 'kin ni Adam nang mapatingin siya sa 'kin. "Teka, blockmate ka ni Kai diba; medtech student?" Napatingin ako kay Kai; badtrip, 'di man lang siya sumilay sa 'kin. Tinanguan ko si Adam. "I'm Adam." Hindi ko napigilang mapatawa nang tignan ko ang kamay niya. "Kilala kita. Who wouldn't? Fuckboy ka diba?" "Ouch." Adam dramatically held his chest. Napatingin sa akin si Kai, parang nagulat sa sinabi ko. Bakit? Totoo naman ah. "Iyan na talaga tanyag ninyo sa 'kin 'no? Well kilala ako dahil gwapo ako; that's the real reason." "Mas gwapo si Kai." I bit my lower lip to stop myself from giggling lalo nang mapatingin ulit sa 'kin si Kairee. "Tangina, bro! Ikaw ang type." Tinapik siya ni Adam. Kabog na kabog na ang puso ko. Akala ko may sasabihin na si Kai pero napundi ang liwanag sa dibdib ko nang talikuran niya ulit ako; humarap na siya sa may counter. I sighed as Adam chuckled. "Studies lang ang type ni Kai." Napanguso ako't pinagmasdan na lang si Adam na bumalik sa lamesa nila. Ang kirot naman sa dibdib, busted ba agad ako? Hindi pa naman siguro; hindi pa nga ako nagsisimula. Abangan mo Kai, I'd make you mine.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook