"You cooked..." Napakurap-kurap ako. "For me?" Hindi ako makapaniwala, para akong nakalutang sa bahaghari't napapalibutan ng sandamakmak na ulap. "For everyone, actually." Saglit niyang nginuso ang likuran. Napalingon ako sa backseat; may iilan pang paperbag doon. Napakurap-kurap ako. I looked at him, seryoso na naman siyang nagmamaneho. "You cooked for everyone?" Naguluhan ako. "Oo." Bumuntong hininga ako't umayos ng upo. Nilapag ko sa gilid ang paperpag. For a moment, I felt special. Nawala naman agad ang bahaghari. "Akala ko para sa 'kin lang." Ngumuso ako. Hindi na siya nagsalita pa. Napairap na lang ako sabay tingin sa bintana; pinagmasdan ko ang mga gusali hanggang sa nanuyo ang lalamunan ko. I felt the need to talk again, masyadong tahimik. "Akala ko ba wala kang time kun

