"Ah tara sa loob tayo." Bubuksan ko na dapat iyong gate, pero inunahan niya 'ko. Hinawakan niya iyong wrist ko at inalalayan sa paglakad hanggang sa makarating kami sa loob ng bahay. Umupo ako sa sofa; lumuhod ulit siya sa harapan ko. Nilibot ko iyong paningin, buti na lang ay wala si mommy; walanh mang-iintriga. Hinawakan ni Kai iyong paa ko. Bumuntong hininga siya saka umupo sa coffee table. Ginesture niyang ipatong ko iyong paa ko sa lap niya, so I did. Dahan-dahan niyang tinanggal iyong bandaid. Medyo naigtad ko iyong paa ko nang kumirot iyon. "Sorry," bulong niya habang inuusisa iyong hinlalaki ko. "Maliit lang iyong hiwa," aniya. "Sobrang sakit pa ba?" "Hindi naman na. Buti nga huminto na iyong bleeding. Kinabahan ako kanina, sunod-sunod iyong patak ng dugo." "Good thing, t

