"Good morning." Kanina pa ngalay na ngalay ang labi ko kakangiti pero ngayon lang ako nagka-confidence na magsalita ulit sa tahimik na kotse ni Kairee. Para akong na sa panaginip; hindi nagsi-sink sa akin ang nangyari kanina. Nakailang lunok na ako, tuyong-tuyo pa rin ang lalamunan ko. "Can you stop staring at me?" Sumulyap sa akin si Kai. Tumingin din agad sa daan habang hawak niya ang manebela. Binaling ko ang tingin sa bintana; kagat-kagat pa rin ang ibabang labi. Grabe! Para akong nakalutang sa himpapawid. Ang sarap sa pakiramdam. Sa wakas ay nakasabay ko ulit siyang pumasok; hindi lang iyon! Siya pa ang kusang sumundo sa 'kin. Oh my Gosh! I think there was a progress; it was a progress! Pinagmasdan ko ulit siyang magmaneho; napakagwapo. Napaka-peaceful ng mukha niya, hindi talaga

