"Sa'n ka na?" tanong ko kay Kiko habang magka-call kami. Kinulit-kulit niya 'ko kahapon na panuorin daw namin iyong bagong labas na Spiderman. Nasuhulan ako't ililibre niya raw ako ng ticket pati pagkain. Hindi na 'ko tumutol. "Malapit na. Naka-ready ka na ba?" tanong niya. Chineck ko iyong laman ng shoulder bag ko. Binitbit ko na rin iyong jacket na naiwan niya rito nang masauli na. "Oo. Kanina pa." "Kanina pa, sus! Kakatapos mo lang mag-ayos eh. Nandito na 'ko sa labas ninyo." Sumilip ako sa bintana, may pulang kotse na nakaparada sa labas. Tumayo ako sa harapan ng salamin, nag-lip tint. Muntik ko pang makalimutan, buti nakita kong maputla na ang labi ko. Hindi na 'ko nag-effort sa buhok ko. Si Kiko lang naman kasama ko kaya okay lang kahit panget ako. Kay Kairee lang ako magmama

