"I'm not his driver." Seryoso siyang nakatitig sa daan, nagmamaneho na. "Pero diba lagi kayong sabay pumasok noon?" "Minsan." "Bakit nga ngayon hindi na?" Hindi siya sumagot. Ang tagal kong nakanganga sa kanya pero seryosong-seryoso siyang nakatingin sa daan, animoy may malalim na iniisip. Napanguso ako't sumandal nang maayos. "Pati ba naman sa personal nase-seenzoned ako." "What?" "Wala sabi ko ang gwapo mo." Hindi na naman siya kumibo. Parang na sa ilalim ng lupa ang pag-iisap niya habang ginagalaw-galaw niya ang manebela. "Do you wanna play a music?" bigla niyang tanong. Napatingin ako sa mini screen sa harap. Ngiti-ngiti akong tumango. "Sure, sige-sige." "Connect your phone," aniya, hindi ako tinitignan. "Huh..." Kinuha ko iyong cellphone ko sa bag. Abala siya sa pagmam

