"Oo bakit?" Ngumiti siya, pilit na pilit. "Wala. Nagpapapansin kasi Kay Adam though it's not big deal. It's just that hindi siya gaanong pinapansin ni Adam. Wala pa siguro sa mood mambabae." "Nawawalan siya ng mood sa gano'n?" Kumurap-kurap ako. "Baka napapagod si junjun." Oli laughed, siniko ko nga si gaga. "I doubt that though." Kesha laughed, nakitawa rin si Cassy. s**t, iyan na naman siya, lumulutang na naman ang kagandahan. "Pero if serious relationship ang hanap ng kaibigan mo, sabihin mo na agad na wag na siyang umasa kay Adam. He's a total disaster," ani Kesha. "Iyon naman nga ang sinabi ko sa kanya kaso ayaw makinig eh; bahala siyang masaktan." Nagkibit balikat si Kesha saka binalik ang tingin sa cellphone niya. "Asaan na ba iyong iba? Inom na inom na ko." Siniko niya si C

