CHAPTER 01
Nagising ako dahil sa silak ng araw na tumama sa mga mata ko ,kaya minulat ko ang mata ko at tumayo na sa pagka higa
Lumabas na ako ng kwarto at nadatnan ko nga ang kapatid ko at si mama na nagkakape
Oh anak mag kape Kana"- pag-aya ni mama sakin
Nginitian ko ito at lumapit sakanya,at umupo naman ako sa tabi niya
Ate,nandyan na ang labahan ni aling Tess at ito yung bayad nya"-saad ng kapatid kong si Cassy at inaabot sakin ang pera
Kinuha ko naman ito at tumingin nga ako sa dalawang tray na labahan
Anak,kaya mo ba yan tutulungan na kita mag laba "-saad ni mama at tumingin naman ako dito
Nako ma,kaya ko na po yan mag pahinga ka lang, wag kang mag alala ,sampo kaya ang daliri ko"- sagot ko dito sabay pakita ng mga kamay ko sakanya
Tumawa naman si mama at si Cassy
Ma ako na po tutulong kay ate para maging 20 na yung daliri nya, diba ate"-sabat naman ni Cassy tinanguan ko ito
Oh sya sige na nga"-sagot nito at niyakap ko nga ito
Uminom nga ako ng kape at tumingin kay mama na kumakain ng pandesal
Kami nga lang ni mama at ng kapatid ko dito sa bahay at wala na pala akong papa dahil 2 years na itong wala saamin hindi sya patay kundi sumama siya sakanyang kabit at iniwan kami pero okay lang dahil kaya namin mabuhay na wala sya,ngayon ako yung nagpapa aral sa kapatid kung si Cassy grade 9 na pala ito at 16 years old na at ang trabaho ko pala ay labandera sa umaga waitress naman sa gabi,pero ang sahod ko naman ay sakto lang sa pagkain namin at sa pang gamot ni mama May sakit kasi si mama sa puso
Ate"-tawag sakin ni Cassy
Ohmm"-sagot ko at tumingin sakanya
Bakit ka tulala May problema kaba ate"-tAnong nito sakin
Wa-wala "-nauutal na sagot ko sakanya at tumango naman ito
Tumayo ako at dinala na ang labahan sa labas
Lumapit naman sakin si Cassy na May dalang maliit na upo an at umupo ito sa harapan ko
Tulungan na kita ate"-saad nito at tinanguan ko ito
Nag laba na nga kami
Teka lang hindi ba't Tuesday ngayon bakit hindi ka pumasok"-tAnong ko dito kaya napakamot ito ng ulo nya at ngumiti sakin
Hehe bukas nalang po ako papasok ate,wala naman kasi tayong bigas"-sagot nito
Oo nga pala wala na pala kaming bigas kaya kinuha ko nga ang pera sa bulsa ko at inutusan ito
Bumili ka doon dalawang kilo at ang sukli bili mo nalang ng tuyo"-,utos ko dito at kinuha nito ang pera at tumayo na
Umalis na ito,at ako naman ay tumayo na dahil tapos na akong mang laba at babanlawan ko na rin ito
Natapos na nga akong mag banlaw ng dumating na rin si Cassy na May dalang bigas at tuyo
Ate tutulungan paba kita dyan"-tanong nito sakin habang nagsasampay ako
Hindi na kaya kona to lutuin Mona yan at para makakain na tayo"-sagot ko dito tumango naman ito at pumasok na sa bahay
********
Thank you at tapos na rin ako"-saad ko sa isip ko at pumasok na sa loob ng bahay namin
Ate luto na at kakain na tayo"-ngiting saad sakin ni Cassy
Lumapit ako dito at tiningnan ang niluto nitong kanin at tuyo
Oh sya tawagin mona si mama at sabihin mo na kakain na tayo "-Utos ko sakanya at pumunta naman ito sa kwarto ni mama
Kumuha na nga ako ng plato at kutsara at suka nilapag ko ito sa mesa at biglang sumigaw si Cassy na
Atee si mama"-sigaw nito sa kwarto ni mama kaya dali-dali akong tumakbo sa kwarto ni mama
Ma"-sigaw ko ng makita ko si mama na Naka higa sa sahig
Si mama ate, habang pinapatayo ko sya kanina ay bigla nalang itong natumba at nawalan ng malay"-iyak na ani nito
Humingi ka don ng tulong bilisan mo"-paiyak na saad ko dito at tumakbo naman ito pa labas
Binuhat ko nga ang ulo ni mama at sinubukan kung gisingin ito
Ma...gising"-pang gising ko dito
Sinasampal -sampal ko nga ang pisngi nito pero hindi talaga ito nagigising
Pumasok nga ang kapitbahay namin at binuhat ng mga ito si mama hangang sa sasakyan
Ano ba nangyari kay aling Beth "-tanong ng kapitbahay namin
Bigla nalang syang natumba at nawalan ng malay"-sagot ko dito
Sumakay nga ako ng sasakyan at pinahurorot ito papunta ng hospital
**********
Nandito na nga kami sa hospital at pinalabas na nga si mama sa sasakyan at pinaupo ito sa wheelchair
Ano nangyari sa pasyente"-tanong ng doctor sakin habang tinitingnan nito ang pulso ni mama
Nahimatay doc"-sagot ko dito
Sinenyasan nya naman ang mga nurse na ipasok si mama sa ER
Papasok rin sana ako ng pigilan ako ng nurse
Ma'am bawal po kayong pumasok at mag hintay lang po kayo dito -saad ng nurse
umupo na nga lang kami ni Cassy sa upuan at nag dasal
Ilang minuto na nakalipas ng lumabas na ang doctor kaya nilapitan ko ito
Doc..kamusta na po ang mama ko"-tanong ko sa doctor at hinubad naman nito ang mask nya
Ms. Ruiz, your mom needs surgery because her heart is enlarging and she needs a heart transplant. For the operation, you need to provide us with 100,000"-sagot nito at napaluha ako dito
100,000?"-tanong ko dito
Yes "-sagot nito at umalis na sa harapan ko
Ate sobrang laki naman po ng hinihingi nila"-saad ni Cassy at umiiyak na ito kaya niyakap ko ito
Saan naman ako makakuha ng ganyan ka laking pera "-saad ko sa isip ko
Wag kang mag alala CAS,gagawan ng paraan ni ate para ma operahan si mama"-saad ko dito at hinimas himas ang likod nito
te be continued...