bc

WISH GRANTED (ONE SHOT STORY)

book_age12+
3
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
sweet
bxg
love at the first sight
shy
like
intro-logo
Blurb

A one shot story made by yours truly.

"So Starla, my wish is...

Can I see you again next time?"

Umattend lang ako sa wedding ng pinsan ko pero bakit ganito na ang nangyayari sakin? What to do? Send help? Baka diretso ko nang iuwi sa bahay si Travis kung ganito siya. Papayag ba ako o papayag?

chap-preview
Free preview
Travis x Cyrene
Walang tigil ang tulo ng luha ko habang pinapanood ang pinsan kong ikasal sa pinakamamahal niya. Finally nahanap na niya ang forever niya. Ako ba? Kailan ko kaya makikilala ang 'The One' ko? Hindi na ako bumabata kaya kailangang paspasan na 'to. Kasalukuyan na akong pumipila sa pagkain dito sa reception. Halos magningning ang mga mata ko sa nakikita ko. Shocks wala na talaga sa bokabularyo ko ang salitang dyeta. Malaking plato ang kinuha ko. Balak ko kasing kumuha ng maraming ulam tapos kaunti lang yung kanin para siguradong busog lusog ako.  "Ate pwede pong magtake out?"  Natawa ang mga nakarinig sa tanong ko. Si ate naman na pinagtanungan ko ay tumingin sa akin na para bang galing ako sa ibang planeta. Ano bang masama sa tanong ko? Napanguso ako. "Gaga ka talaga nakakahiya ka." Natatawang bulalas ng isa ko pang pinsan na si Paola na may kasamang kurot sa tagiliran. Inirapan ko nalang siya at tinuloy ang paglamon ko sa pagkain. Parang hindi kami magkakakilala sa lamesa sa sobrang tahimik. Ganito talaga kami basta ba pagkain ang usapan. Nang matapos akong kumain, balak ko sanang pumila pa at kumuha ng dessert. Tumayo ako ng basta basta ng biglang nakarinig ako ng singhapan. Natulos ako sa kinatatayuan ko dahil nabangga ko si Adonis. Este yung photographer ng kasal. "Oh my god, sorry po kuya!" Gulat na bulalas ko ng makitang natapunan ng wine ang puting-puti niyang longsleeves. Maski siya ay hindi din nakagalaw marahil sa gulat. Sinubukan ko pang punasan ang mantsa pero mas lalong kumalat. Sa sobrang hiya ko, gusto ko nalang magpakain sa kaharap ko este magpakain sa lupa. "It's fine, it's fine." OMG! Pati boses, ang yummy! "Cyrene what happened?" Hala ka ang bride biglang sumulpot.  "Uhm insan naano ko si ano ng ano." Natataranta kong sabi.  "Huh?!" Nalilito at naguguluhang sagot niya. Pagkatapos, lumingon siya doon sa pwesto ni Pogi. Literal na lumaki ang singkit na mata ng pinsan ko sa nakita. "Travis anong nangyari sayo?!" Naghihisteryang sabi na naman ng pinsan ko.  "Ah hehe ako yung may kasalanan niyan. Nasanggi ko siya kaya natapon ang wine." Inunahan ko na si 'Travis' kuno na sumagot. "I'm okay, don't mind me. Just an accident." Sagot ni Travis. "You sure?" Sagot ni pinsan. "Yeah." Sagot na naman ni Travis. Uh pwede na kaya ako umalis? Tutal naman hangin lang ata ako dito eh. "Oh by the way Travis, this is Cyrene my cousin. Cy, this is Travis our photographer and a friend of ours." "Hi Cyrene. What a nice way to finally meet you." Shet makalaglag panty naman ang ngiti niya. Sinubukan ko pang kapain yung garter ng panty ko, mahirap na. Ano din kayang brand ng toothpaste ang gamit niya? Ang puti kasi ng ngipin niya tapos ang ganda pa.  "Cyrene?" Nabalik ako bigla sa wisyo. "Ay hello po Travis! Sorry po talaga sa nangyari. Promise kahit anong wish mo, aking tutuparin!" Nababaliw kong sabi. Ginaya ko pa yung tagline ng pinapanood ng mga pamangkin ko tuwing gabi.  "Oh okay, no worries. I'll think of something to ask to you." Ngumiti nalang ako sa kanya kahit na pakiramdam ko mukha namang najejebs yung ngiti ko. Wala akong masabi sa sobrang bait niya. Full package! Pero teka, sure ba talaga akong kaya kong gawin ang wish niya? Baka mahirap? Halos kaltukan ko na ang sarili ko sa mga naiisip.  "Can you take a picture of us?" "Sure." Kinuhaan kami ni Travis ng litratong magpipinsan. Kahit todo pose ako ay hindi mawala sa isip ko ang itsura ng kawawang damit niya ngayon. Hindi kaya siya naaalibadbaran sa suot niya? Parang ang lagkit na eh. "Travis my man, what the fvck happened to your shirt?" Isang 'di ko kilalang lalaki ang lumapit sa kaniya. "It's nothing. Excuse us." Lingon ni Travis sa amin. Pumayag naman kami, alangan namang pigilin namin siya.  After ng nakakahiyang moment ko kanina ay nanatili nalang ako sa upuan namin. Naaaliw naman ako sa performance ng bagong kasal, pati na din sa pinaghandaan ng iba. Huwag niyo na tanungin kung bakit di ako kasali, ayoko talaga dahil alam kong ipapahiya ko lang din ang sarili ko. Kumokonti na ang mga tao, halos mga kami kami nalang ang natitira. Mas maingay na rin kumpara kanina. May nakalatag na din na mga beer at pulutan. Hindi ako sanay uminom kaya nagpaalam muna ako sa mga kasama ko para magpahangin. "Why are you alone?" Halos masapak ko sa mukha ang taong nagsalita sa sobrang gulat ko. "Travis?" "Hi Cyrene. Nagulat ba kita?" 'Hindi ba halata?' Yan sana ang gusto kong sagutin sa kanya kaya lang 'wag nalang since may atraso pa nga pala ako sa kanya. "Uhm hindi naman hehe." Peke kong tawa. "Can I sit beside you?" "Sure." Di naman ako may-ari ng upuan. Napansin ko din na nagpalit na siya ng damit niya. Buti naman.  "Remember what you told me earlier? That whatever I'll wish, you'll grant it?" "Yup!" "So Starla, my wish is..." Pabitin niyang sabi. "Is?" Saad ko nang maburyo na kakaantay ng wish niya. "Can I see you again next time?" Sinampal ko ang mukha ko. "Hey why are you hurting yourself?" Gulat na tanong ni Travis. "Okay lang ako. Pero pakiulit mo nga yung sinabi mo, parang nabingi ata ako eh." Naglinis naman ako ng tenga. Pero baka mali yung narinig ko, baka nga.  "I said, can we date some other time?" "Date?!" Naloloka kong sabi. "Yes, date." Full of conviction niya pang sabi. "Are you sure? Ako? Talaga?" I can't believe! OMG! Bakit ako?  "Uh I know for sure that you don't know me. But I do know you quite a long time now. Your cousin always tell stories about you. We also went to same occasions before but I guess 'di mo ako napansin." Hindi na naman ako makapagsalita sa gulat. Really Cyrene? Ilang beses ka nang lutang today? Kaya pa ba? Pero kung nakasama ko na siya sa isang lugar dati, anong karapatan kong kalimutan ang ganyang mukha? "Weh? Totoo ba iyan?"  "Yes I am telling the truth. So, will you grant my wish?"  Ang kapal naman ng mukha ko kung tatanggihan ko ang regalo ng Diyos. Ngayon pa lang sobra na pong thank you papa G!  "Hmm sige sige." Mahinhin kong sagot kahit na sa loob loob ko'y parang sasabog na sa sobrang kilig na nararamdaman.  "Thanks Cyrene! Hinding-hindi masasayang ang oras mo sa akin." Tuwang-tuwa na sabi ni Travis.  Weeks, months had passed since Travis and I started going out. And all I could say is na hindi ko pinagsisihang matapunan siya ng wine 'nong araw na iyon. Dahil kung hindi iyon nangyari, hindi ko siya makikilala at hindi siya magkakaroon ng lakas ng loob na ayain akong lumabas.  We finally became a couple after a year of courtship. He did what he promised. He said na hindi siya mapapagod sa akin at na aalagaan niya ako. At ganoon nga talaga ang ginawa niya. He never left me kahit na may mga misunderstandings kami while in a relationship. He supported me all throughout. Tinulungan namin ang isa't-isa na makayanan ang mga problema. We shared and celebrated each others success and we cried together when we failed at our darkest times. Being committed is never easy but when you are with the one you truly love, it will be all worth it. I tell you.  I am very thankful to have him. And I'm proud to say that today is a very special day for the both of us. Nagkakilala kami sa kasal ng iba but today is different. Because today is our day. We'll start another chapter of our lives. And I promise that I'll be the best other half for my love, Travis.  Love does come in the most unexpected way. So you just gotta wait for the right time. While waiting, do your best to achieve your dreams. You got this.  This is Cyrene Wynona Reyes - Javier signing off. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.1K
bc

His Obsession

read
104.8K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.3K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook